ayoko pa sana maniwala.. pero oo.. ang bulshet.. malapit na mawala ang makscie.. 
ano ba yaaaan!? nakakainis.. andaming memories na nakapaloob dun sa building/s na yun.. pati yung palengke sa tabi.. potek..
di ko na makikita yung "garden" na pinagtaniman namin ng gulay nung first year.. nagkagalit-galit pa nun yung mga sections kasi nagkaakusahan na nagnanakawan ng gulay.. =p
mawawala na rin yung bakod.. haaayy.. yung bakod na ilang beses kong inakyat.. nakapalda man o nakapantalon.. papasok man ng school o palabas..
pati yung fire exits.. na tinatambayan at vinavandalan namin.. tinutulugan pag nagccutting.. at ang peyborit spot ko for muni-muni and diary writing sessions.. iyakan sessions pa pala..
yung mga pasemano.. na forever naming inuupuan.. tapos sisigaw si mam gonzales from the other side of the building.. "bumaba ka diyan!" sabay balik ulit after a few seconds..
yung mga tanim.. yung mga dahon na inuubos namin sa plantboxes.. nagpapalakasan pa kami ng pagpapaputok nun.. dun din kami nag-uusap ng masinsinan ni ano.. at saka ni.. *ahihihi*
yung mga CR.. my shelter tuwing nalalate ako.. anlinis-linis dun.. pwede ka umupo sa sahig at sa may sink.. pati yung mga OMNI.. saka yung multong yumakap sakin.. babai..
yung grounds.. na pinaggaganapan ng bawat intrams.. super career mode cheering routines.. saka tambay bawat uwian.. hanggang sabihan ka nung guard na "huy! alas utsu na!" isama mo na ang prom pati graduation memories..
yung room na pinagpipilahan namin tuwing kumukuha ng stipend.. ooohh.. pati yung benches na inuupuan namin kapag nilalagay na namin yung pera namin sa aming mga sapatos.. =p
yung mga kalesa at wooden seats.. pati na rin yung fish/ water lily pond..
yung stage kung saan nagsusulat kaming mga latecomers ng "i will never be late again" a hundred thousand times.. dun din kami lumuhod ng isang oras.. saka siyempre, graduation ceremony.. ahuhuhu..
yung AVR na pinagganapan ng batch bondings, maraming competitions.. plays (hi, iii-Lavo).. pati na rin yung mga mumu at kaluluwa dun..
yung library.. puro tulog ang inatupag ko dun.. friendster pa pala.. saka ang ever exciting puzzle competition.. panalo pa rin ako.. beat that *toot*..
yung room sa THE malapit sa canteen.. pati yung mga students na nakakakita sakin pag nag-oover the bakod ako..
yung canteen.. na nagrerecycle ng cups.. nagrereuse pala.. *yuck*
yung room ng ii-mendel.. dun ako una natuto magpusoy dos!
yung room ng iii-Lavo.. ang pinakamalaking kwarto ever.. with that weird trapezoid thing.. saka lahat ng paint stains na naiwan natin sa sahig..
yung room namin nung i-gali pati iv-faraday.. pati yung sirang electric fan na lagi naming pinag-aagawan.. haaaayy..
yung mga lockers.. na pwede buksan ng kahit sino..
yung corridors na paikot-ikot lang.. kung saan naglaro yung boys namin ng sipaang piso.. at ang walang kamatayang the longest line..
ay, ay! sinong makakalimot sa napakaraming "B sign na may circle" sa mga bintana, stairs, padpaper, bolpens, sapatos at bags namin.. Bayan pala ha.. Binay kaya yun.. =p
yung palengke na pinagbibilhan namin ng ingredients for Culinary Arts.. pati yung mga palamig.. saka yung lugawan, hatdugan at prenchprayan, pati na rin yung mga carts nina manong pishbol, chickenbols, cheese corn, ice scramble, isaw, siomai, etc..
yung mga nagvivideoke rin tuwing umaga (second year ito).. leche.. nakakadisturb kayo ng classes..
haaayy.. the list goes on.. anlungkot talaga.. amfufu naman ng rockwell..
nakakadown talaga.. ayan na nga yung kinakatakot ko.. eto na yung kapalit nung ultimate high ko nung friday hanggang kahapon.. sad sad sad..
* * * * * * * * * * * * *
haaayyy.. ahyeen.. let's go.. ituloy na natin ang planong magvandal using spray paint dun sa Dengue tarpaulin sa harap ng makscie.. green yung paint ko ha..
come on.. let's join us.. =p
Currently feeling: bullsh*t