hindi namin alam kung pano nabuo ang group namin. pero nagsimula iyon nung n10.. ayan.. nagkakakilala-kilala pa lang kami.. honestly.. nahihiya pa ako dun sa mga taga-block 26 na members ng group B.. hehehe.. pero ang ffriendly nila.. weehee.. 
at ayun.. pagkatapos namin magbigay ng bed bath sa isa't isa at magbabad sa duty sa ward 14-B.. napunta kami sa community.. kami yung pinakaunang group na hinawakan ni mam maglaya sa batch namin..
maglaya?! oo.. siya yung nagsulat nung mga libro na ginagamit niyo ngayon.. wag kayo papahuli na pirated ang copies niyo.. patay kayo dun! 
at ayun.. dun lalo nastrengthen yung bond.. hehehe.. yung tipong magtitinginan pa lang kami.. alam na namin ang damdamin ng isa't isa.. parang ganito..
sabi ng mga mata ko: "huuuy.. mamimili na si mam ng sasamahan sa home visit niya.."
sabi ng mga mata deane: "onga.. takbo na tayo.."
or..
(pinili na kami ni mam maglaya na ihome visit ni joan)
sabi ng mga mata ko: "shet.. mamamatay na ata ako.. waahh joan.." 
sabi ng mga ata ni joan: " ano ba.. bagalan natin maglakad.. paunahin na natin si mam.." 
sabi ng mga mata nina jenny at mark: "Shet! baka akyatin tayo ni mam sa tausug house natin!" 
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hahahaha.. at ayun.. tapos sobrang naging close kami ngayong 2nd sem.. kami yung nakilalang GROUP BUM.. weee.. kasi naman.. kami ang pinakahuling magsisimula ang duty.. 2nd week pa ng feb.. di tulad ng iba na kakatapos pa lang magsindi ng paputok eh binato na agad sa community.. 
ayun.. at siyempre.. sa katagalan naming naging bum.. e nashock kami nung nagduty na kami.. hehehe.. ayun ayun.. pero ok naman ang group namin.. andun naman kami para sa isa't isa.. naging effective talaga ang group namin.. kaya.. ward 14-A, ward 4, ward 15, community, health center.. TAPOS NA NAMIN LAHAT YAN! 
tapos na ang araw-araw na commute papuntang edsa or baclaran.. not to mention ang pakikipagsiksikan sa LRT.. poteeek..
tapos na ang pag-iinject sa mga bata at pagpapaiyak sa kanila.. 
tapos na rin ang araw-araw ng pag-upo sa rocking chairs ng ward 15 at ang daily mother's class.. 
tapos na ang pagtunganga sa asteeg na conference room ng ward 14A.. 
tapos na ang pagtambay sa taas ng health center habang kumakain ng junk foods..
tapos na.. fun fun fun.. sana hindi na magshuffle ng groupings.. please.. 
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
at ayun.. masyadong marami ang moments ng group B kapag kinwento ko.. pero eto na lang.. eto ang mga Bwords na nagdedescribe/maiaassociate sa group Bum turned Busy turned Bongga turned Bartista.. (saka ko na dadagdagan..)
(di ko na ieexplain yung bum at busy..
)
Beautiful- wala na.. no need for explanations..
Bartista- hahaha.. pinagpilitang gawing B word.. ayun,kasi natelevise kami.. hehehe.. beat that!
gooo group B!
BIdyoke- sa GBOX! weehee.. unwind unwind.. saka mahilig kumanta ang mga tao sa group B.. kahit saan.. may kakanta lang na isa.. mahahawa na yung iba.. kaya malala ang LSS sa group namin.. 
Bugok- thank you naman kay ate crystal.. siya nagbigay ng word na ito..
Bangag- 
Bigat- hehehe.. tanong niyo sa sasakyan ni mam gesmundo..
(we love you mam!
sorry sa sasakyan niyoooo..)
Bonding- we love our bread, we love our butter, but most of all, we love each other.. madalas sabay-sabay kaming kumain.. at sabay-sabay gumagala.. sabay-sabay din yung gastos.. hehehe.. joke lang.. 
*****************************
I *heart* group B!
weehee.. sana hindi na talaga magshuffle.. 
hoi.. walang magpapalagas ha! kaya natin to..
coy, neng, mark, joyce, crystal, k-mar, pouch, joan, deane, jenny
at ate kristine kapag n12.. hehehe.. joke.. alam naman naming group B ka lagi sa puso mo.. 
Currently listening to: weak ng freestyle
Currently feeling: thankful