oye! temple tour! hahaha.. ok ok.. magkkwento ako..
ayun.. gud lak naman.. late ako nagising.. ewan ko kung in-off ni kirk yung dalawang cellphone na alarm ko.. o kaya.. super bingi ako at sobrang himbing ng tulog ko..
ayun.. nagpunta school.. tenkyu naman at may fx akong nasakyan.. di ako nalate.. oye! kala ko maiiwan ako.. at kakailanganin ko pa magtaxi gaya ng sabi ni joseph.. ok.. over.. tama na..
anyweiz.. parang elementary ang nangyari sakin.. paramihan ng baon! oye!
ayun.. iisa-isahin ko..
isang litro ng tubig (nasa C2 bottle na 1L)
melon milk (namiss ko to.. sobra)
spuds na sour cream (tinry ko lang para maicompare sa pringles)
chippy na garlic and vinegar (bagong flavor! hehehe.. kakaadeek!
)
Vcut na alam niyo na
E-aji na salsa ang dip (masarap to hiyas.. medyo nacho king)
Piknik na ketchup flavor (namiss ko na kasi)
isang pack ng mentos cool chews (kaadeekan since forever)
4 na chupa chups
(yung ibang kinain ko na bago magtemple tour ay di ko na ilalagay dito..
)
ayun.. imagine-in niyo na lang kung apno ko pinagkasya yun sa bag ko kasama pa ng pampalit na damit.. nagdala rin pala kamign pangtabing sa ulo.. ginamit ko yung shawl ko nung prom 3rd year.. (sowi naman james.. transparent ka diyan!? transluscent kaya..
)
ang aga ko dumating! oye! buti na lang di ako nagdala ng unan.. nagmukha siguro akong maglalayas.. ayun.. eksakto si sir sa oras.. nakataxi pa.. hay nako.. buti naman wala atang nalate sa klase namin.. takutin ka ba namang iwanan.. hay nako.. ayun.. bus! kain agad.. di ako nagbreakfast e.. binigyan pa ako ni chrystal ng egg sandwich na ginawa niya.. tenkyuuuu!
katakawan..
maaga kami dumating dun sa Blue Mosque (para sa mga islam peepz).. hinintay pa namin yung kabilang bus.. kasi naman.. di tinakot ni sir karganilla yung mga students niya.. late tuloy.. excited pa naman kaming nagsuot nung mga head churva namin.. tapos maghihintay pa pala..
ayun.. umupo kami sa mat na nasa sahig.. naglecture si imam.. oh em gee! ang green nga ni imam!
gud lak naman sa mga jokes na binigay niya.. ewan.. si sir kasi.. kinwento na yun dati.. kaya medyo di na kami nagulat.. hay nako.. ayoko na sabihin kung ano yung mga jokes na yun.. isa pa.. ansakit ng pwet ko nun! potakteeee..
saka super namimintig/nangingimi/kinukuryente na yung mga legs ko! hahaha.. kaya paikot-ikot yung upo ko.. actually.. naming lahat..
tapos nagpunta kami sa taoist temple.. pao ong cung.. ewan kung tama ispeling.. e kasi naman.. basta.. hahaha.. alam ko iba pangalan niya dun sa inside the forbidden city.. wala lang.. 
ayun.. may nakalagay dun sa bandang harap.. NO PICTURE TAKING.. anlinaw.. okei.. e di sa labas kami nagpicturan.. tapos ayun.. pag pasok.. maiiyak ka sa dami ng insenso na nakatusok at sabay-sabay na umuusok..
hahaha.. ang kyut nung mga offerings dun.. pare-pareho itsura nung mga prutas.. as in! kala nga namin artificial e..
tapos may kidney shaped wood.. 2 pieces yun.. na pwede mo pagtanungan.. after magsindi at magtusok ng insenso.. ibabato mo twice.. kapag:
parehong right side up o kaya baliktad pareho = NO!
magkaiba (isang right side up at isang hinde) = YES!
so twice mo nga ibabato.. hehehe.. pag parehong yes.. e di yes.. same kapag no.. kapag kombinasyon.. e di maybe..
doink..
gud lak naman.. mukhang accurate.. dalawang beses ko tinanong yung dalawa kong tanong.. pareho resulta.. no dun sa isa.. maybe dun sa isa.. ayoko na ulitin.. baka makulitan sakin yung pinagtatanungan ko.. may tinanong din ako nag naging yes ang sagot.. secret na lahat yun..
masaya naman cr nila.. hehehe.. malinis.. tenkyu at may flush.. unlike sa nursing building na sira pa rin pwera lang yung last cubicle (minsan rin lang magkaflush to).. pagpasok ko ulit.. napaiyak ako..
e kasi naman.. yung room na nakaconnect dun e yung pinakatoxic.. hehehe.. pinaka-enclosed? o pinaka concentrated yung fumes.. smoke.. watever.. basta..
tapos nagtatanong si ate mongcada.. taga kabilang bus.. kay sir esguerra.. gud lak naman.. andaming sinabi.. tapos nag face reading pa si sir.. hahaha.. asteeg man!
kaya pala kahit anong pindot ng ilong ko e di tumatangos yung tip.. hahaha.. hahaha.. wala lang.. 
tapos naglunch na.. harrison.. man! ang boring dun.. mas maraming laman ang rob.. or sm siguro.. oh well.. nagtokyo-tokyo kami.. panget saing ng rice nila dun.. or yung brand mismo.. tapos antagal ko pa bago nabigyan ng extra sauce.. awww.. pero siyempre.. extra rice pa rin! 
surprise.. may mga tao talagang mabibilis ang kamay.. shet.. ambilis.. nakakagulat.. nakakabigla.. hohemgeeh.. wala lang.. pero tange din siya magnakaw.. yung cellphone na may camera at yung digicam.. iniwan.. yung mumurahing phone ang binanatan..
swerte na kaklase ko!
tapos nag sikh temple kami.. heto naaaaa.. hala.. kakain na nung stuff na kinukwento ni sir..
ayun.. tabing na naman sa buhok.. tapos pumasok..woah.. bawal sapatos.. nakapaa kami.. may something na kakaiba.. amoy.. basta.. ayun.. gud lak naman.. nakaupo kami sa carpeted na floor..
infairness.. ang babait ng tao dun..hehehe.. asteeg nga ang sikhism e.. di sila namimilit.. tayo na daw makakaalam kung dapat ba talaga e sikh tayo.. o di ba.. wala lang.. andami pa.. si ate naman.. tanong ulit ng tanong.. to the point na.. sabi nung tour guide..
"last question mo na yan ha!"
gud lak.. di siya nakangiti at walang biro dun sa tone.. haaayy.. watever.. gud lak talaga.. "nagcecelebrate ba po ng christmas ang sikh?" duh.. di nga sila naniniwala kay christ e..
hehehe.. some kinda ganun.. pero mind you.. mabait si ate mongcada.. yun lang pagtatanong niya ang kinaiinisan ko.. 
after ng lahat.. pinakita samin yung room kung saan natutulog yung sacred book nila.. aircon! may kama pa na may curtain thingies.. parang kwarto ng tao.. wehehehe.. ambait nung mama.. kahit muntik ng matanggal ni CJ (batang kasama ni sir) yung curtains dahil naapakan niya.. di siya pinagalitan.. wohoah..
ayan naaaa.. kakain naaaa.. sa langgar.. dito.. free food lagi.. kahit sino daw.. ang hinain samin ay.. munggo, pita, curry (ata), buchi-like things at tea..
ang anghang nung munggo nilaaaa.. hoho.. medyo adeek sila sa luya e.. tapos yung curry.. uhhh.. (masama ata utak ko nun) pagkabite ko e.. uhh.. una kong naisip e.. armpits..
sowi na.. di ko sinasadya.. ginagalang ko po kayo.. ewan kung bakit ganun.. pero.. ganun.. kaya di ko kinain yung curry.. baka magsuka pa ako.. 
yung pita.. ok.. yung tea.. amoy salabat daw.. pero kakaiba.. pero ok lang.. inubos ko yun.. ang init.. ansarap.. yung buchi-like thingy.. di ko na tinry.. hay nako.. di naubos ng group namin yung food.. sowi po ulit.. kaya nagmadali pa si ivy na ilagay dun sa area yung tray.. baka kasi mapagalitan.. 

after nun.. kain agad ako sa bus.. goooooo piknik! hahaha.. wala lang.. ayoko na isipin.. wak na talaga.. gusto ko na matulog.. 
last temple.. sobrang lapit niya sa up manila.. haaayy.. ansarap ng seats.. este.. sarap umupo.. hehehe.. mabait din yung mama.. hehehe.. bawal lang humawak.. kyut yung kim luan temple.. hehehe.. picture.. 
ang weirdo namin.. nagaamuyan kami.. hahaha.. kasi amoy sikh na daw kami..
hehehe.. kinda true.. lalo na pag nagdikit-dikit kami.. hahaha.. strength in numbers.. 
tapos may katapat yug temple na hotel.. pan pacific ata pangalan.. tapos dun sa isang floor.. ewan kung 3rd o 4th.. may dalawang naked guys na nakatingin samin.. nasa couch.. grabe.. hubad.. feel na feel nila.. e kinakausap yata nung iba naming kasama.. gud lak naman.. kumuha ng papel na kasing laki ng tarpaulin tapos sinulatan ng cellphone number! as if..
inentertain naman kunwari ng mga kaklase ko.. trip.. nyahaha.. habang masuka-suka naman talaga.. asa namang sinave nila yun.. tapos nung nakasakay na kaming bus.. kumakaway paaaa.. adeek!
ayun.. hahaha.. andaming picture.. penge kopyaaaa..
umikot yung bus.. kumanta si sir.. asteeg naman.. nauto.. hahaha.. joke.. si ate jill nagsabi nun ah..
bumaba na yung iba sa lrt.. yung iba sa may philam.. tapos sa AS na kami..
tapos na.. hehehe.. wala na.. di ko naubos baon ko.. 
P.S.
nagpalit ako ng damit bago umuwi.. hahaha..