anak ng diary.. haaaayyy.. nakakatamad na magkwento.. grabe.. wala na akong masabi.. kasi naman.. napakascripted na ng araw ko.. haaayy.. maikwento nga..
gigising ng late.. papasok ng late o kaya super on time na pagpasok mo e magsisimula na yung klase.. matutulog.. madidismiss..
tapos kakain ng lunch.. tapos magccram kung may homework.. pag wala, mag-aaral, pero after 2 pages, matutulog na lang.. tapos kakain ulit..
tapos magkklase na naman.. matutulog pero nakamulat.. ayun, mag-iisip ng paraan para magising.. maghahanap ng inspirasyon.. minsan, paliliparin ang utak para makarating sa nakaraan.. reminisce ang pocha.. haaayy.. maghahanap ng ibang taong pwede tignan for the rest of the period.. o kaya bagay o vandal na pwedeng idrowing / kopyahin.. kukulayan.. kukulitin ang katabi.. magtatawanan.. magdadasal na sana magtime na.. haaayy.. dismissed na..
maghahanap ng kasabay pauwi.. dadaan sa rob.. or kakain sa mcdo.. free upgrade.. or sa 7-11.. or wag na lang.. magkakainan habang nasa jeep.. magkkwentuhan.. tapos magdadasal ako na sana makarating sa bahay at maabutan ang naruto.. magbbabai pag nasa del pan na..
maglalakad pauwi.. dadaan sa gitna ng mga masisiglang tao.. yung iba.. sobrang sigla.. tipong nakakainis na.. or nambabastos na.. watever.. ahahaha.. hindi yung bastos na super.. xrated.. yung parang nakakahumiliate.. ng onti lang..
tapos pasok sa bahay.. matutulog.. makakapanood ng naruto.. or minsan hindi.. mamimiss ang naruto.. mag-aalaga ng baby bro.. or papalit sa pagbabantay ng rental.. tapos bababa.. magpprepare ng ulam or magbabantay uli sa baby bro.. tapos aakyat ulit sa rental.. tapos magsasarado ng mga 12 or 1 or 2 o clock.. tapos magbabasa-basa ng lesson kapag sinipag.. tapos maghihilamos at magttoothbrush..
matutulog.. or.. pipilitin makatulog.. mag-iisip ng kung anu-ano.. haaayy.. reminisce.. mananaginip.. ewan kung ilan.. ewan kung meron ba talaga.. tapos paggising maaalala yung iba.. mawweirduhan.. wut da f?! bakit ganun?! san nanggalnig yun!?
yun ba talaga ang aking hidden desire ayon kay Freud!? oh come on.. tapos tutunganga sa ceiling.. tapos magsasayang ng oras dahil nawweirduhan ulit sa sarili.. tapos maaalala na super tagal nang nakatanga.. babangon.. and the cycle goes on..
HABA NOH! nakakatuwa naman.. kahit na paulit-ulit lang.. ang haba pala.. pero ang konti lang ng aking nagagawa.. haaayy.. isa talaga akong dakilang tamad, narcoleptic-like, takaw at procrastinator.. isang super happy-go-lucky na nilalang.. waw.. how pathetic..
not! ano ba ito.. eew naman k-mar.. bakit nilalait mo ang sarili mo!? but it's true.. haaayy.. CONFLICT! nyahaahha.. asteeg noh.. leche..
SANA MAGKAREUNION ANG MGA MAKSCIE PEEPZ! PLEASE PLEASE PLEASE.. WAAAAHH.. (T_T) YUN LANG PO..
haaayy.. weehee.. may secret ako.. di ko sasabihin.. pero may nakakaalam na.. marami.. di ko lang inaamin.. watever..
***BaNGaG aKo NGaYoN.. NaKaKaBaNGaG PaLa aNG BoY BaWaNG at YoGuRT at iCeD Tea! adeek.. ZZZZzzzzzzzzz..***
oo nga pala.. ngayon ko lang narealize na mas masakit at nakakapagod magsayaw ng baby bro to sleep kaysa magsayaw ng sangkatutak na tao sa prom night.. waw.. ahhhmeeeyyzziinng.. =p
Currently listening to: eternal flame ng mymp
Currently feeling: crappy and bored